SUMUKO NA? Pulis na namaril ng babae sa restobar at mga kabaro at police chief sumuko na
Arestado ang isang pulis matapos niyang mapatay sa pamamaril ang isang babae sa restobar sa Sibulan, Negros Oriental. Ngunit ang suspek, pinagbabaril at napatay din ang mga kabarong humuli sa kaniya, kabilang ang kanilang hepe.
Isang babae ang umupo katabi ng ilan pang customer. Ngunit makaraan lang ang ilang saglit, isang customer ang tumayo, naglabas ng baril, at pinaputukan ang babae.
Nasawi ang biktima, na humandusay sa upuan.
Napag-alamang isang tauhan ng Sibulan Police ang lalaking bumaril sa kaniya.
Agad namang nadakip sa restobar ang suspek ng tatlong niyang kabaro. Ngunit habang nasa loob na sila ng sasakyan papuntang estasyon, dito naman pinagbabaril ng suspek ang tatlong humuli sa kaniya, kabilang ang kanilang hepe.


No comments: