banner

Curious lang daw! Bagger sa mall, arestado dahil nandekwat ng condom at branded pa



Dinakip ng mga awtoridad ang isang lalaking bagger mula sa isang mall sa Barangay Mabolo sa Cebu City matapos umano niyang magnakaw ng isang pack ng branded na condom na may presyong ₱387.75 noong Martes, Enero 6.

Ayon sa mga ulat, nagsagawa ng inspeksyon para sa mga empleyado at saktong nakita ang pakete ng condom sa loob ng pantalon niya, na hindi naman binayaran sa kahera.

Agad naman siyang isinumbong sa pulisya at dinakip sa salang pagnanakaw.

Paliwanag niya, curious lamang daw siya kung paano gamitin ang condom dahil hindi pa raw siya nakakagamit nito kahit na kailan.

No comments:

Powered by Blogger.