BINARIL ANG PAA? Detainee na ini-escort, nagtangkang tumakas sugatan nang barilin ng pulis
Isang detainee na ini-escort ng mga awtoridad ang sugatan matapos siyang magtangkang tumakas at barilin ng pulis sa Pandan, Catanduanes.
Pero ilang saglit lang, kinuha ng detainee ang bag ng isang escorting officer bago tumakbo palayo.
Hinabol siya ng mga awtoridad hanggang sa barilin siya sa tuhod ngunit patuloy pa rin siya sa pagtakas.
Kalaunan, naabutan ang detainee at dinala sa ospital. Isinailalim naman sa imbestigasyon ang bumaril na pulis.
Mahaharap sa karagdagang reklamong resistance and disobedience to a person in authority ang detainee, na may kasong may kinalaman sa ilegal na droga. Hindi siya nagbigay ng kaniyang pahayag.


No comments: