BALI ANG KATAWAN? Grade 11 student na nanonood ng 'motor show,' patay sa pang-aararo ng van
Patay ang 17-anyos na Grade 11 student na residente ng Barangay Panitian, Quezon, Palawan, matapos mabangga ng isang pampasaherong van bandang 1:00 ng madaling araw ng Enero 1, 2026 sa Sitio Tapsan ng parehong barangay.
Ayon sa ulat, nagawa pang salubungin ng binatilyo ang pagpasok ng bagong taon bago mangyari ang aksidente.
Ayon sa ilang saksi, mabilis umano ang pagpapatakbo ng driver ng van nang mabangga ang biktima na nasa gilid lamang ng kalsada.
Tumilapon ang biktima sa gitna ng daan at agad na isinugod sa ospital, subalit sa kasamaang-palad, doon na ito binawian ng buhay.


No comments: