banner

WASAK ANG BIBIG? Lalaking nang-agaw umano ng kanta sa videoke bar, binaril sa baba sa Tagum City



Isinugod sa ospital ang isang lalaki matapos barilin sa loob ng isang videoke bar sa Tagum City, Davao del Norte. Ang itinuturong ugat ng krimen, ang pag-agaw umano ng biktima sa kanta ng suspek.

Ayon sa pulisya, nakikipag-inuman ang 25-anyos na biktima sa isa pang kasama sa naturang establisimyento. Hindi naman kalayuan sa kaniyang puwesto ang suspek.

Bago umalis ang suspek, bumunot ito ng baril ang pinaputukan ang biktima na tinamaan sa baba.

Tumakas ang suspek, habang isinugod naman sa ospital ang biktima.

Patuloy na hinahanap ng mga pulis ang suspek.

No comments:

Powered by Blogger.