banner

TINAMAAN SA ULO? Babaeng nasawi sa tama ng ligaw na bala sa Tondo, nakipasko lang sa lugar ng nobyo



Bumisita lang sa lugar ng nobyo para makipagdiwang ng Pasko ang babaeng nasawi matapos tamaan ng ligaw na bala sa Tondo, Maynila noong Huwebes. Ayon sa pulisya, nagkaroon ng barilin sa lugar at iniimbestigahan pa ang insidente.

Nakita sa video na kabilang sa napatakbo ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa balikat, at tumagos umano sa kaniyang baga.

Ayon sa kasamahan ng biktima, inakala nila noong una na nadaplisan lang ng bala ang babae.

Isinugod siya sa ospital pero binawian din ng buhay.

Tumanggi na muna ang Manila Police na magbigay ng pahayag habang patuloy nilang iniimbestigahan ang insidente.

No comments:

Powered by Blogger.