SINUNTOK ANG ULO? Lalaking nag-trespassing umano, patay matapos suntukin ng dating katrabaho
Patay ang isang lalaki na inaakusahang nag-trespass umano matapos siyang suntukin ng dati niyang katrabaho sa Santa Cruz, Maynila.
Ayon kay Melody Hernandez, kapatid ng biktima, pinapunta ang biktima ng suspek na si Arnel Labay sa kanilang trabaho upang sana bigyan ng pambili ng bagong tsinelas.
Gayunman, may nakakita umano sa biktima na pumasok sa loob ng site kahit na restricted area ito, kaya nagalit umano ang suspek na si Aldrin.
Batay sa kuha ng CCTV, mapanonood ang biktima na nakatayo malapit sa nasabing construction site. Pagkalapit ng suspek, sinuntok niya ang biktima.
Sa pangalawang suntok ng suspek, doon na tumama sa pader ang ulo ng biktima bago siya tuluyang humandusay sa sahig.


No comments: