banner

SINAKSAK LIVE? Pananaksak ng lalaki sa salon owner, nahuli-cam sa FB live sa Camiguin



Nahuli-cam sa social media live ang pananaksak ng isang lalaki sa may-ari ng salon sa Camiguin noong Linggo.

Habang naka-live, dumating ang 50-anyos na suspek na diretsong pinuntahan ang 33-anyos na biktima na inundayan niya ng saksak.

Kaagad namang sumaklolo ang isang barbero at pilit na inagaw ang patalim sa suspek.

Makikita ang biktima sa video na duguang hawak ang kaniyang leeg na nagtamo ng sugat.

No comments:

Powered by Blogger.