PINATAY NI MISTER? Babaeng BPO worker natagpuang patay, asawang umiyak nang makita ang bangkay siya palang salarin
Duguan at patay na nang matagpuan ang katawan ng isang babae sa bakanteng lote sa Barangay Indahag sa Cagayan de Oro City noong Sabado. Ang mister ng biktima, naiyak nang makita ang bangkay ng kabiyak pero lumitaw na sila pala mismo ang salarin sa nangyaring krimen.
Ayon sa awtoridad, nagtamo ng 12 saksak sa leeg ang babae.
Nang dumating sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ang mister ng biktima, napaupo ito at naging emosyonal.
Ngunit ayon kay Police Regional Office-Northern Mindanao (PRO-10) Spokesperson, Police Major Joann Navarro, kinalaunan ay umamin umano ang mister sa harap ng kaniyang abogado na siya ang pumatay sa kaniyang asawa.


No comments: