banner

NAKIPAGBARILAN? Lalaking suspek sa 2 insidente ng pamamaril, patay matapos pagbabarilin sa Maynila



Patay ang isang lalaki na suspek umano sa dalawang insidente ng pamamaril, nang siya naman ang pagbabarilin sa Barangay 38 sa Tondo, Maynila.

Sinabi ng barangay na dumating sa lugar ang biktimang si alyas “Allen,” na sinalubong umano ng gunman at pinaputukan.

Nag-iikot umano ang ilang tauhan ng barangay noon nang makarinig ng magkakasunod na putok ng baril.

Dead on arrival sa ospital ang biktima.

Ayon sa barangay, residente ng Bulacan ang biktima at bibisita lang sa bahay ng gunman. Hindi pa umano malinaw kung ano ang kaniyang sadya roon.

Natuklasan pa ng barangay na suspek ang biktima sa dalawang insidente ng pamamaril sa Maynila, bagay na kinumpirma ng ina ng biktima.

No comments:

Powered by Blogger.