NAGNAKAW NG SASAKYAN? 3 bata tinugis ng mga pulis sakay sa tinangay nilang kotse
Nagulat ang mga pulis nang malaman nila na tatlong bata na edad 8, 11 at 12 ang sakay sa hinabol nilang kotse na kinarnap umano sa Ohio, USA. Ang mga bata, natuto umanong tumangay ng sasakyan sa pamamagitan ng panonood ng online videos.
Sinubukan umano ng mga pulis na harangin ang kotse pero bigla itong humarurot kaya nagkaroon ng habulan. Hanggang sa bumangga ang kotse sa gilid ng isang bahay at nagpulasan ang mga sakay nito.
At nang makorner ang mga “suspek,” tumambad sa kanila ang tatlong bata na nagmamakaawa na huwag silang sasaktan.
Ang isa, nakiusap sa mga pulis na tawagan ang kaniyang ina.


No comments: