MAY KABIT PALA? Barker na nasawi at pinaglalamayan na ng mga kaanak, may ibang pamilya na umaangkin?
Naging usap-usapan kamakailan sa Silay City, Negros Occidental ang nangyari sa isang bangkay ng lalaki na may ibang pamilya ang umangkin habang pinaglalamayan na ng mga kaanak. Sino nga ba ang bangkay at alin sa dalawang pamilya ang kaniyang tunay na kamag-anak?
Dahil sa laman ng kalsada at kuwela si Begot, kinagiliwan siya ng mga tao dahil inaalalayan din niya ang mga taong tumatawid sa kalsada.
Kuwento ni Eulina, sa pamilya nila tumira ang pamangkin niyang si Begot nang maghiwalay ang mga magulang ng huli. Pero madalas daw talaga na nasa kalsada si Begot kaya nakasanayan na rin nila na hindi ito umuuwi sa kanilang bahay, hanggang abutin na ito ng buwan.


No comments: