banner

BINARIL SA ULO! Lalaking naningil umano ng P150 na pautang, patay nang barilin ng sumpak ng kaniyang sinisingil



Patay ang isang lalaking naniningil umano ng utang matapos siyang paputukan ng “sumpak” ng lalaking kaniyang sinisingil sa Mariveles, Bataan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na pinuntahan ng biktima ang bahay ng suspek para maningil ng utang. Pero nauwi ito sa pagtatalo hanggang sa paputukan ng suspek ang biktima.

“According sa witness, actually po ‘yun po ‘yung kapatid ng suspek eh may narinig po siya ng sudden burst po ng firearm. Paglabas po niya, ‘yung kapatid niya improvise firearm po ‘yung boga. And from there po nakita po ‘yung victim na nakahandusay po sa daan,” ayon kay Police Lt.Col. Mar Joseph Ravelo, hepe ng Mariveles Police.

Isinugod naman ang biktima sa ospital pero idineklara siyang dead on arrival.

No comments:

Powered by Blogger.