SUMALPOK! Lalaking aasikasuhin ang death certificate ng kaanak, nasawi sa aksidente sa motorsiklo sa Pangasinan
Nasawi ang isang barangay kagawad matapos sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang nakaparadang truck sa gilid ng daan sa Dagupan City, Pangasinan. Ang biktima, umalis ng bahay para sana asikasuhin ang death certificate ng isang kamag-anak.
Kagawad sa Barangay Lomboy si Edgar sa bayan ng Binmaley, at magtutungo sa city hall ng Dagupan para asikasuhin ang death certificate ng isa nilang kamag-anak.
Ayon sa pulisya, lumabas sa imbestigasyon na tinangka umano ni Edgar na mag-overtake sa sinusundang utility van sa Barangay Tapuac, Dagupan City, pero sumalpok siya sa nakaparadang truck.


No comments: