banner

PINALO SA ULO? Lalaki na ‘di umano nagpahiram ng bagong cellphone, hinataw ng bareta sa ulo



Sugatan sa ulo ang isang lalaki matapos hatawin ng bareta habang natutulog sa kanilang bahay sa Cebu City. Ang hinihinalang ugat ng krimen, ang hindi umano pagpayag ng biktima na ipahiram sa suspek ang bago niyang cellphone.

Ayon sa biktimang si Ashley Luminog, 28-anyos, na kinailangang dalhin sa ospital dahil sa tinamong sugat sa ulo, nagising na lang siya sa paghataw sa kaniyang ulo at may dugong lumabas.

Nakita umano niya ang suspek na kasama niya sa bahay na si Alyas Tibo, na muli sana siyang hahatawin pero nahawakan na niya ang bareta.

No comments:

Powered by Blogger.