PANOORIN! Tricycle na may 8 sakay, bumangga sa poste at nahulog sa irrigation canal, driver, patay
Nasawi ang isang driver nang bumangga ang minamaneho niyang tricycle sa isang poste at nahulog sa irrigation canal sa Cabanatuan City. Ang biktima, magpapa-checkup sana sa health center at may pitong kasama, bilang ang kaniyang asawa at mga anak nang mangyari ang insidente.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nagmamaneho ng tricycle ang 48-anyos na driver at papunta sana sa health center para magpa-check-up.
Kasama rin niya sa tricycle ang kaniyang asawa, dalawang anak, dalawang kapitbahay na may kasama ring mga anak.


No comments: