NAPURUHAN SA ULO! Motorsiklo at ambulansiya nagbanggaan sa Cebu City, rider na umuwi namatay kinabukasan
Nagkabanggaan ang isang ambulansiya at isang motorsiklo sa intersection ng national highway sa Cebu City. Ang rider, nagawa pang umuwi pero namatay kinabukasan.
Isang motorsiklo na nasa kasalubong na linya ang huminto na nang makita ang ambulansiya. Ngunit ang motorsiklo ng biktima, nagtuloy-tuloy at nakabanggaan ang papalikong ambulansiya.
Bumaba ang driver ng ambulansiya at nilapitan ang nakatumbang rider na may malay. Kinalaunan, umalis na rin ang ambulansiya.


No comments: