NAKATULOG ANG DRIVER? Isang wing van truck wasak ang harapang bahagi matapos sumalpok sa concrete road barriers
Wasak ang harapang bahagi ng isang wing van truck matapos sumalpok sa concrete road barriers sa Tagum City Flyover madaling araw ng Sabado, Nov. 15.
Ayon sa paunang imbestigasyon, galing pa sa Davao del Sur ang truck at patungo sana sa Tandag City upang mag-deliver ng kahon-kahong softdrinks. Pag-akyat sa flyover, bigla umanong napaliko ang sasakyan at diretso itong bumangga sa concrete barriers dahil nakatulog umano ang driver.


No comments: