banner

NAHATI ANG KOTSE? Kotse nawalan umano ng kontrol at sumalpok sa kahabaan ng Manila East Road



Nahati ang isang kotse sa isang aksidente sa kahabaan ng Manila East Road sa Taytay, Rizal bandang 2:30 AM nitong Linggo, Nov. 16, 2025.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, "self-accident" ang insidente matapos umanong mawalan ng kontrol ang 25-anyos na driver na kasalukuyang nasa ospital at nananatiling walang malay.

Nadamay din sa aksidente ang tatlong indibidwal na nagtamo ng minor injuries.

No comments:

Powered by Blogger.