KITA SA CCTV! Nabulilyasong pag-shoplift ng isang lalaki sa chocolate bars, ginawang pa-contest ng isang shop
Sa halip na magpokus sa negatibo, isang shop ang ginawang pa-contest ang tangkang pagnanakaw sa kanila ng isang lalaki, nang pahulaan nila sa followers kung ilang chocolate bar ang dapat sanang tatangayin ng ng suspek na nahuli-cam sa CCTV sa Tacloban City.
Batay sa video ng Chocolate Republic Tacloban na iniulat ng GMA Integrated Newsfeed, mapanonood na tila “add to bag” na ginawa ng isang lalaki sa halip na “add to cart,” nang kumuha siya ng ilang chocolate bar sa estante bago ipinasok ang mga ito sa kaniyang bag.
Ngunit naudlot ang plano ng lalaki dahil sa alistong kahera.
“Our cashier noticed his suspicious behavior, and the man failed to hide the [chocolates] - probably because he panicked,” sabi ng Chocolate Republic Tacloban.


No comments: