BINARIL SA ULO? Gasoline boy, itinumba ng riding in tandem sa Masbate City
Isang gasoline boy ang binaril at napatay ng mga salarin na nakasakay sa motorsiklo sa isang gas station sa Masbate City.
Kaagad na nasawi ang biktima, habang napatakbo naman sa takot ang ibang pang trabahador sa gasolinahan.
Bago tumakas ang mga salarin, pinaputukan pa nila ang cashier booth.
Natunton ng mga awtoridad ang may-ari ng motorsiklo na idinahilan na hiniram lang ng kaniyang mga kaibigan ang kaniyang sasakyan.


No comments: