BINARIL NG KABIT? Guro patay sa pamamaril sa Nueva Ecija, suspek hinihinalang may gusto sa asawa ng biktima
Patay ang isang lalaking guro matapos barilin habang nakikipag-inuman sa kaniyang kapitbahay sa Talavera, Nueva Ecija. Ang isang suspek, sumuko na batay sa imbestigasyon ng pulisya ay may gusto umano sa asawa ng biktima. Ngunit itinanggi niya ang mga paratang.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nakikipag-inuman umano sa kapitbahay ng biktimang si Reynan Tiangco, 39-anyos, nang biglang sumulpot ang gunman at pinagbabaril ang biktima.
Tumakas ang mga salarin na sakay ng motorsiklo matapos isagawa ang krimen.
Isinugod naman sa ospital ang biktima pero hindi na siya umabot nang buhay.


No comments: