AKSIDENTENG NASAKSAK! 5-anyos na lalaki, aksidente umanong nasaksak at napatay ng pinsan niyang 8-anyos sa Cebu
Patay na at may sugat sa leeg nang matagpuan sa isang sapa sa Argao, Cebu ang isang lalaking limang-taong-gulang. Ang hinihinalang nakapatay sa biktima, ang pinsang niyang walong-taong-gulang.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na hindi umano sinasadya ng batang suspek ang nangyari sa kaniyang pinsan.
Napag-alaman na Miyerkules ng hapon nang magpaalam ang biktima na pupunta sa sapa para manghuli ng suso kasama ang pinsan.
Pero pagkaraan ng dalawang oras, umuwi na ang suspek na hindi kasama ang biktima. Nang tanungin umano kung nasaan ang biktima, hindi ito makasagot.


No comments: