PINASOK AT SINAKSAK? Lalaking nasa banyo na may kasama umanong babae patay sa saksak, suspek kinakasama ng babae
Patay ang isang lalaki matapos siyang saksakin ng suspek na ka-live ng babae na kasama umano niya sa loob ng banyo ng kapitbahay sa Bayambang, Pangasinan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naaktuhan umano ng 44-anyos na suspek ang kaniyang kinakasamang babae habang kasama ang 38-anyos na biktima sa loob ng banyo ng kapitbahay.
Nagkapisikalan umano ang suspek at biktima hanggang sa humantong na sa krimen.


No comments: