SINIRA AT NINAKAWAN PA? Pinagbabato, binasag ang mga salamin at tinangka pang silaban ng ilang raliyista ang harap ng Sogo hotel
Sapul sa video ang pag-atake ng ilang kabataang raliyista sa isang hotel sa Mendiola, Maynila sa kasagsagan ng anti-corruption rally nitong Linggo, September 21.
Pinagbabato, binasag ang mga salamin, at tinangka pang silaban ng ilang raliyista ang harap ng hotel.
Una nang kinumpirma ng pamunuan ng hotel, na isang vault nila ang tinangay ng mga sumugod na kalalakihan. Sugatan din ang isang security guard ng hotel.
No comments: