PINASOK AT PINAGBABARIL? Kagawad itinumba sa loob mismo ng barangay hall sa Malasiqui, Pangasinan
Patay ang isang kagawad matapos siyang pasukin at pagbabarilin sa loob ng barangay hall ng Payar sa Malasiqui, Pangasinan habang natutulog kaninang madaling araw.
Sa imbestigasyon ng pulisya, natutulog ang biktima sa loob ng barangay hall kasama ang dalawang civilian volunteer officers nang pumasok ang salarin at pinagbabaril si Caspillan.
Nagtamo ang biktima ng tatlong tama ng bala ng baril sa katawan. Tumakas naman ang suspek sakay ng motorsiklo, kasama ang isa pang suspek.
No comments: