banner

PINAGTATAGA NG KAPATID? 72-anyos na lolo, patay sa pananaga ng kapatid sa Camarines Norte



Dead on arrival ang isang 72 taong gulang na lalaki matapos siyang pagtatagain ng kaniyang nakatatandang kapatid sa Camarines Norte.

Ayon sa mga ulat, naliligo umano ang biktima nang biglang dumating ang kaniyang kapatid na suspek at saka siya pinagtataga gamit ang tinatayang 20 pulgadang bolo.

Hindi bababa sa limang taga ang tinamo ng biktima, na sinubukan pa raw makatakbo sa labas ng kanilang bahay upang humingi ng tulong bago raw ito nawalan ng malay.

Hinihinalang nagkaroon daw ng sama ng loob ang suspek sa biktima dahil sa usapin ng record niya sa barangay.

No comments:

Powered by Blogger.