NAGWALA AT NAMARIL? Pulis, pinagbabaril ang mga kasama niya sa checkpoint sa Cagayan, 1 patay at 1 sugatan
Isang pulis ang nasawi, at isa pa ang sugatan matapos silang pagbabarilin ng kanilang kabaro sa isang checkpoint sa Rizal, Cagayan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na galing umano ang suspek sa patrol duty nang tutukan nito ng baril ang isang pulis na nasa checkpoint. Tinangka naman siyang awatin ng dalawa pa nilang kasamahang pulis, at doon na nangyari ang pamamaril.
No comments: