NABALI ANG KATAWAN? Mister, patay matapos tamaan ng bucket ng backhoe na misis niya ang nakasakay
Humantong sa malagim na kamatayan ang away ng isang mag-asawa matapos tamaan ng bucket ng backhoe at maipit ang isang mister at masawi sa Valencia City, Bukidnon. Ang nag-o-operate o nagpapatakbo ng backhoe, ang kaniyang misis.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nasa trabaho noong Sabado ang suspek na ginang bilang operator ng backhoe, nang dumating ang kaniyang mister at binato ang babae.
Para protektahan ang sarili, ginalaw umano ng ginang ang bucket ng backhoe para iharang sa kaniya pero tinamaan pala nito ang kaniyang mister at naipit.
No comments: