banner

BIGLANG SUMABOG? Swimming pool sa isang resort sa Cebu, sumabog dahil sa chemical reaction



Sapul sa CCTV ang aktuwal na pagsabog sa isang swimming pool nang sabuyan ito ng chlorine sa kalagitnaan ng routine pool cleaning ng isang tauhan ng resort sa Talisay City, Cebu nitong September 2. Base kasi sa imbestigasyon ng mga awtoridad, imbes na sa tubig naihalo ang chlorine, sa muriatic acid ito nailagay.

Naglabas ito ng dilaw na usok na nalanghap daw ng ilang residente na nakatira malapit a resort. Dahilan para maospital ang nasa 20 katao nang makaranas ng pagkahilo, pagsusuka, pananakit ng mata, at hirap sa paghinga. Kabilang diyan ang mismong tauhan na nasa video.

No comments:

Powered by Blogger.