TINALI AT TINAPON? Dinukot na beauty queen sa Leyte, natagpuan bangkay palutang-lutang sa dagat, paa't kamay nakatali
Matapos ang ilang araw na pagkawala, natagpuang palutang-lutang sa dagat ang hubad na bangkay ng isang beauty queen sa Leyte, na biktima umano ng pagdukot at karumal-dumal na pagpatay, sa ulat ng News5.
Ang biktima ay kinilalang si Arradaza, dating Ms. Matag-ob. Ayon kay PMaj. Shenna S. Layog, Acting Station Commander ng Police Station 2, Tacloban City Police Office, nakita ang bangkay ng biktima sa bloated stage, hubad, at may mga bakas ng pananakit.
No comments: