banner

SINAKSAK NI MISTER? Babae, patay nang saksakin ng asawa na kaniyang pinagsisigawan sa Rizal



Nasawi ang isang babae matapos siyang saksakin ng kaniyang asawa na pinagsisigawan niya sa Cainta, Rizal.

Nadakip ang suspek sa isinagawang follow-up operation sa Antipolo.

Ayon sa suspek, matagal na silang hiwalay ng kaniyang asawa, at may iba na umano itong kinakasama.

Nasa bahay lamang ang biktima upang bantayan ang kanilang apo nang mangyari ang insidente.

No comments:

Powered by Blogger.