PINATAY AT TINAGO? 17-anyos, pinatay ang sariling ina at itinago ang bangkay sa ilalim ng kama
Brutal na napatay ang isang ina sa Northern Poblacion, Plaridel, Misamis Occidental ng sarili niyang 17-anyos na anak.
Itinago ng suspek ang bangkay ng ina sa ilalim ng kama at binalot ng cellophane hanggang sa bumaho ito at matuklasan.
Ayon sa imbestigasyon, nag-ugat ang krimen matapos hindi maibigay ng ina ang hinihingi ng anak.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang menor de edad na suspek habang nanawagan ng panalangin at pagkakaisa si Mayor Gadwin Handumon.
No comments: