banner

PINAGTATAGA SI MISIS? Senior citizen na tinaga ang misis, sinaksak din sarili at uminom ng lason



Pananaga sa kaniyang ulo ang sinapit ng 65 taong gulang na babaeng senior citizen mula sa kaniyang mister sa San Isidro, Davao del Norte.

Ayon sa mga ulat, nauwi sa pananakit ng 69-anyos na suspek ang pag-aaway umano nila ng biktima bagama’t hindi pa tukoy ang mismong dahilan ng kanilang pinagtaluhan.

Lumalabas sa imbestigasyon na habang isinusugod sa ospital ng biktima ay sinunog din ng suspek ang kanilang sariling bahay, sinaksak ang sarili at saka uminom ng lason na pesticide. 

Mabilis namang naisugod sa ospital ang suspek matapos ang naturang krimen. Habang may mga ulat naman ang nagsabing tuluyan umanong binawian ng buhay ang kaniyang misis matapos magtamo ng taga sa kaniyang ulo.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at posible umanong maharap sa reklamong homicide at arson ang suspek.

No comments:

Powered by Blogger.