banner

NAAKSIDENTE NA BINANGGA PA? Lalaking naaksidenteng isasakay sa ambulansya, patay matapos salpukin ng lasing na rider



Doble ang aksidenteng sinapit ng isang lalaking criminology student na agad na kumitil sa kaniyang buhay sa Kidapawan City, North Cotabato.

Ayon sa mga ulat, naunang maaksidente ang biktima matapos niyang mabangga ang isang aso na bigla umanong tumawid sa kalsada. Sa lakas ng aksidente nawalan ng malay ang biktima na agad namang nasaklolohan ng rescue team.

Ngunit, habang nakahiga na sa stretcher ang biktima upang isakay na sana sa ambulansya, biglang tinumbok ng isang lasing na rider ang mismong puwesto ng biktima at dalawang rescuers. 

No comments:

Powered by Blogger.