NA HIT AND RUN? Kuha sa CCTV ang Tricycle na na-hit and run matapos banggain ng kotse, 2 sakay sugatan
Sapul sa CCTV footage ang aktuwal na pagkaripas ng isang kotse matapos banggain ang kasunuran nitong tricycle sa Brgy. Alsam Ibaba, Tayabas City, Quezon madaling araw ng Linggo, August 24.
Makikitang gulat na gulat sa nangyari ang dalawang sakay ng tricycle na nagtamo ng minor injuries.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis para matukoy ang pagkakakilanlan ng driver ng kotse.
No comments: