LUMUTANG ANG KATAWAN? Bangkay ng sekyu, natagpuang palutang-lutang sa La Mesa Dam
Isang bangkay ng security guard ang namataang palutang-lutang sa La Mesa Dam sa Quezon City noong Linggo, Agosto 24, 2025.
Ayon sa mga ulat, madaling-araw ng Linggo, Agosto 24, nang maispatan pang naka-duty ang biktima sa naturang dam bago siya tuluyang maiulat na nawawala.
Matapos ang ilang oras na paghahanap sa biktima, natagpuan ang kaniyang wala nang buhay na katawan na palutang-lutang na lamang sa likod ng guesthouse ng La Mesa Dam.
No comments: