banner

INABUSO NG KAPWA PULIS? Lady cop, minolestiya umano ng 2 kabaro sa loob ng police mobile sa Marikina



Dinisarmahan at isinailalim sa preventive custody ang dalawang lalaking pulis matapos silang ireklamo ng isang kapuwa nila pulis na babae na kanila raw minolestiya sa loob ng patrol car sa Marikina. Ang mga suspek, itinanggi umano ang paratang.

Nangyari umano ang pagsasamantala sa biktima noong gabi ng August 17 sa loob mismo ng police mobile.

“Allegedly isinakay siya ng dalawa niyang kasama sa unit sa Marikina and nag-park sila sa isang area at doon nangyari ang alleged pagmolestiya sa kaniya. Allegedly 'yun nga hinawakan siya nung kasama niya na pulis sa maselan part ng katawan niya,” ayon kay Police Brig. Gen. Aden Lagradante, District Director, Eastern Police District.
“Ang nabasa ko sa ano niya [reklamo] is only hinipuan siya but as to the sexual act hindi pa malinaw,” dagdag ng opisyal.

No comments:

Powered by Blogger.