CAR EXHIBITION GONE WRONG? 8 sugatan sa car exhibition na nauwi sa aksidente sa Marawi City
Walo ang sugatan matapos mauwi sa aksidente ang umano’y car exhibition ng grupo ng mga lalaki sa Lancaf Diversion Road, Marawi City hapon ng Biyernes, Aug. 15.
Makikita sa video na humarurot ang isang puting pick-up truck na minamaneho ng 13-anyos saka maririnig ang pagbangga nito sa nakaparadang SUV. May nadamay pang dalawang motorsiklo sa insidente.
No comments: