banner

BINARIL SA ULO? CIDG personnel na-headshot ng tiniktikang traffic enforcer




Patay ang 29 taong gulang na Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) personnel matapos siyang barilin ng minamanmanang traffic enforcer sa San Jose, Dinagat Islands.

Ayon sa mga ulat, nangyari ang krimen noong Huwebes, Agosto 7, 2025 habang nagsasagawa ng surveillance ang biktima at isa pa niyang kasamahang CIDG personnel, na tiktikan ang suspek bunsod ng illegal possession of firearms.

Matapos ang ilan pang sandali, bigla na lang daw bumunot ng .45 caliber pistol ang nasabing traffic enforcer na suspek at saka nagpaputok.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang suspek na agad niyang ikinamatay. 

No comments:

Powered by Blogger.