TINAKOT AT PINAGBANTAAN? Lalaki, huli matapos tangkang gahasain ang isang dalagita na nakilala niya online
Timbog ang isang 26-anyos na lalaki matapos magtangkang gahasain umano ang isang 15-anyos na dalagita na nakilala niya online sa Marikina.
“Mga four days na sila nagchat-chat. And then, nagkasundo na magkita sila. Ang sabi, babayaran siya sa sexual acts,” sabi ni Police Colonel Geoffrey Fernandez, hepe ng Marikina Police.
Batay sa pulisya, P1,000 ang unang alok ng suspek sa biktima, at may dagdag na P500 umano sa pangalawang beses na mangyayari ito.
Nasa bahay na sila ng suspek sa Barangay Malanday nang mag-umpisa nang takutin umano ng suspek ang menor de edad.
No comments: