banner

TINADTAD NG TAGA? Lalaking pinagselosan ng kapatid, patay sa pananaga sa Davao City



Patay ang isang 34 taong gulang na lalaki matapos siyang pagtatagain ng sarili niyang kapatid sa Barangay Wangan, Calinan District, Davao City noong Linggo, Hulyo 20, 2025.

Ayon sa mga ulat, mismong kapatid ng biktima ang suspek kung saan nadamay din ang misis niya at 11 buwang gulang na sanggol na kapuwa nagtamo ng minor injuries.

Lumalabas sa imbestigasyon na selos ang motibo ng suspek laban sa kaniyang kapatid. Nakipag-inuman pa raw ang suspek bago nangyari ang naturang krimen.

No comments:

Powered by Blogger.