PINANGALANAN NA? 15 pulis na hinihinalang sangkot sa kaso ng nawawalang mga sabungero, tukoy na!

style="display: none;"

Isinailalim na sa “restricted duty” ang 15 pulis na hinihinalang may kinalaman sa kaso ng pagkawala at umano’y pagpatay sa ilang sabungero mula noong 2021 hanggang 2022, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

“May restriction na nga sa 15 tao ng PNP na involved dito sa missing sabungero case,” pahayag ni Remulla sa mga mamamayag sa ambush interview nitong Biyernes.

Nang tanungin kung ano ang partisipasyon ng mga pulis sa naturang kaso, tugon ni Remulla, “carry out executions.” 

“Restricted duty na sila. They have to report already to offices para doon na sila. Para hindi na sila makasakit,” dagdag pa ni Remulla.

Kaugnay nito, nakipagkita kay Remulla at iba pang opisyal g DOJ ang mga pamilya ng mga nawawalang sabungero kaninang umaga.

No comments:

Powered by Blogger.