PINAGTATAGA NG LIVE? Senior citizen pinagtataga at krimen kinunan pa ng video ng suspek
Patay ang isang 68-anyos na lalaki matapos walang habas na pagtatagain ng 33-anyos na lalaki sa isang tindahan sa Sitio Wawa, Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal, pasado alas 4 ng madaling araw nitong Miyerkoles, July 23.
Kinuhanan pa ng suspek ang ginawang krimen gamit ang kanyang cellphone.
Sa video, kita na mistulang natutulog ang nakaupong biktima sa tabi ng lamesa nang bigla na lang siyang pagtatagain ng ilang beses ng suspek.
Sinubukan pa umanong dalhin ang biktima sa ospital pero idineklara nang dead on arrival.
No comments: