KINIDNAP? 14-anyos na estudyante, kinidnap at ginahasa umano ng university instructor sa Baguio
Isang 35-anyos na university instructor ang inaresto sa Baguio City matapos umanong dukutin at gahasain ang isang 14-anyos na Grade 10 student habang papasok ito sa eskuwelahan noong Hulyo 9.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nilapitan ng dalagita ang sasakyang huminto sa harap niya, ngunit bigla siyang sinunggaban at tinakpan ang ilong at bibig gamit ang panyo na naging dahilan ng kanyang pagkawala ng malay.
Nagising ang biktima na walang saplot sa katawan sa loob ng isang lodge sa Bakakeng Central, may nararamdamang pananakit sa maselang bahagi ng katawan at nanginginig pa ang mga binti, dahilan para agad siyang humingi ng tulong sa kaniyang class adviser.
Dahil sa mabilis na koordinasyon sa pagitan ng mga guro at mga pulis ng Station 10, agad na natukoy at nahuli ang suspek, na ngayo’y nahaharap sa kasong rape at kasalukuyang nasa kustodiya ng Baguio City Police habang hinihintay ang paglilipat sa city jail



No comments: