INANOD NG BAHA? SUV biglang nahulog sa sapa sa Caloocan mga sakay inanod at hinahanap pa
Hinahanap ng mga rescuer ang mga nakasakay sa isang sports utility vehicle (SUV) na nahulog sa isang sapa sa Caloocan City, ayon kay Mayor Dale Malapitan.
Sinabi ni Malapitan na natagpuan ang SUV sa Durian Bridge, isang oras matapos itong mahulog sa sapa sa bahagi ng Doña Aurora Street.
“Medyo malayo na 'yon sa lakas na rin ng current ng baha,” ayon sa alkalde. “Wala na yung pasahero sa loob. Patuloy ang ating paghahanap.”
"Dun sa mga missing natin, hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang ating paghahanap at bilin na bilin po natin na 'wag po tayo tumigil hanggat hindi nahahanap yung missing persons natin,” dagdag ni Malapitan.
No comments: