GINAPOS AT TINAPON? Bangkay ng lalaking nakagapos, nakita sa gilid ng highway sa Sariaya, Quezon
Isang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa tabi ng highway sa Sariaya, Quezon Biyernes ng gabi.
Ayon sa Quezon PNP, nadiskubre ng mga dumadaan sa highway ang bangkay na tinatayang nasa 35-45 anyos, na nakabulagta sa gilid ng Eco-Tourism road sa Brgy Castañas dakong alas 9:00 ng gabi.
Ginapos ang mga kamay nito gamit ang nylon cord at may mga tama ng bala ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril sa likod.
Ayon sa pulisya at sa mga residente, hindi taga-roon ang biktima at hinihinalang pinatay ito sa ibang lugar at itinapon doon ang bangkay.
No comments: