PINILIT NYA? 13-anyos, nabuntis matapos ilang beses gahasain umano ng 19-anyos na lalaki, suspek Arestado
Isang 13 taong gulang na babae ang nabuntis matapos ilang beses gahasain umano ng isang 19-anyos na lalaki sa Calamba, Laguna. Ang nahuling suspek, dumepensang pareho nilang ginusto ng biktima ang nangyari.
Makaraan ang ilang minutong habulan, inabutan din ang suspek na isang construction worker, na wanted dahil sa reklamong statutory rape.
Batay sa PNP-PRO4A, ilang beses umanong hinalay ng suspek ang biktima na humantong sa pagbubuntis nito.
“Wala pong halong pamimilit ‘yung ginawa po namin ng anak nila po, sir. Parehas po namin ginusto ‘yung nangyari, sir. Sana po mapatawad po nila ako,'' depensa ng suspek sa reklamong isinampa sa kaniya.
No comments: