Natumba ang Motor! Nakamotorsiklong snatcher na sumemplang, matapos puntiryahin ang alahas ng biktima
Nahuli-cam ang pagsemplang ng isang de-motorsiklong snatcher matapos niyang targetin na hablutan ng alahas ang dalawang babae na sakay din ng motorsiklo sa Uttarkhand, India.
Sa isang video makikita ang mabilis na pagdating ng suspek mula sa likod ng dalawa na nakamotorsiklo rin. Pero paghablot niya, nawalan ng balanse ang suspek at sumemplang.
Kaagad na tumayo ang suspek at sumakay sa kaniyang motorsiklo pero hindi ito umandar. Kaya ang nangyari, itinulak niya na lang.
Nakatakas ang suspek ngunit hindi nagtagal, nadakip din siya ng pulisya kasama ang kaniyang kasabwat.
Ayon sa pulisya, nakuha nila mula sa mga suspek ang dalawang alahas, locally-made pistol at kutsilyo.
Bago madakip, walang criminal record ang mga suspek, at nagtatrabaho bilang mga pintor.
Kahit hindi pa nabibilanggo, iniuugnay sila sa mga serye ng nakawan sa iba't ibang lugar sa Haridwar district, tulad ng nangyari malapit sa isang templo.
No comments: