NA KONSENSYA? Suspek sa rape-slay case ng 18-anyos na babae sa Iloilo, nakonsensiya umano kaya sumuko
Sumuko ang isang 33-anyos na lalaking motorcycle-for-hire driver na suspek sa pagpatay at paghalay sa isang 18-anyos na babae na nakita ang katawan sa loob ng kaniyang kuwarto sa Tubungan, Iloilo.
June 17 nang makita ang bangkay ng babae sa loob ng nakakandado nitong kuwarto. Nakahiga sa ibaba ng kama ang katawan ng biktima na may damit pero walang saplot pang-ibaba, at may dugo sa ilong.
Batay sa autopsy report, sinabi ni Dr. Owen Lebaquin, medico-legal officer, na positibong pinagsamantalahan ang biktima, at may nakita ring gasgas sa paa at braso nito.
May nakita rin umanong apat na "hematoma" sa ulo ng biktima na nangyayari umano kapag may napinsalang blood vessel.
No comments: